Manila, Philippines – Dismayado ang Palasyo ng Malacañangsa hindi pagpapaalam sa Pamahalaan ni US Special Rapporteur Dr. AgnessCallamard na bumisita sa Pilipinas para imbestigahan ang umanoy extra judicialkillings sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, angpagpunta ni Callamard sa bansa nang hindi nagsasabi ay isang malinaw nasenyales na hindi ito interesado na makakuha ng objective na perspektibo sakanyang imbestigasyon.
Sinabi ni Abella na noong nakaraang taon ay nagpadala angPamahalaan ng imbitasyon sa tanggapan ni Callamard para magsagawa ng kanyangimbestigasyon sa bansa nang naaayon sa mga umiiral na batas pero hindi itosumagot at sa halip ay basta na lamang nagpunta sa Pilipinas na taliwas dinaniya sa panuntunan ng UN.
Ang pagbibigay aniya ng imbitasyon kay Callamard aypatunay lamang na iginagalang ng Pamahalaan ang kanyang kapangyarihan peropinatunayan aniya ng pagbisita ni Callamard sa bansa nang hindi nagpapaalam nahindi nito ipinapakita ang kanyang Professionalism at Objectivity sa issue.
Kung gusto aniyang makipagusap ni Callamard saPamahalaan, sinabi ni Abella sana ay kinausap nalang nito ang high levelDelegation na ipinadala ng pilipinas sa Geneva Switzerland.
Malacañang, hindi nagustuhan ang walang pasabing pagbisita ni UN Special Rapporteur Dr. Agnes Callamard sa bansa
Facebook Comments