Malacañang – hindi sasantuhin ang mga suspek sa pagsabog sa Jolo, Sulu

Mariing kinondena ng palasyo ng Malakanyang ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Mount Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – tila hinahamon ng mga nasa likod ng pagpapasabog ang pamahalaan na ipakita ang lawak ng kapangyarihan nito.

Aniya, walang sasantuhin ang gobyerno at gagawin ang lahat para mapanagot ang mga suspek.


Kasabay nito, nagpaabot ng pakikiramay ang Malacañang sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi.

Huling datos mula sa AFP Western Mindanao Command, as of 1:20pm, pumalo na sa 27 ang patay (20 sibilyan, 7 sundalo) habang 77 ang sugatan.

Facebook Comments