Malacañang, idinepensa ang papanatil i sa pwesto si Tourism Promotions Board Chief Operating Officer Cesar Montano na inaakusahan din ng korapsyon

Manila, Philippines – Idinepensang Malacañang ang naging hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsibak kay Departmentof Interior and Local Government (DILG) Secretary Ismael Sueño habangnapanatili sa pwesto si Tourism Promotions Board (TPB) Chief Operating Officer (COO)Cesar Montano na inaakusahan din ng korapsyon.
 
Ayon kay PresidentialSpokesperson Ernesto Abella, inaksyunan ni Pangulong Duterte ang pagtanggal kaySueño dahil ito ay miyembro ng gabinete.
 
Matatandaang ilangempleyado ng TPB ang sumulat sa presidential Action Center (PACE) para ireklamoang kuwestyunableng paglulustay ng pondo ni Montano gaya ng P16.5 milyong naibinigay nito sa Pro-Duterte rally noong Pebrero 25 sa Luneta; P11.2 milyon saisang concert kung saan siya ay Guest performers; at P12 milyong sponsorship saJames Reid-Nadine Lustre concert tour sa US at UAE.
 
Inakusahan din si Montanona nagpoposte ng mga personal niyang empleyado sa tanggapan para paswelduhinmula sa pondo ng TPB.
 
 
 

Facebook Comments