Manila, Philippines – Nirerespeto ng Malacañang ang pagsasampa ng kaso Ni Sen. Antonio Trillanes laban kay Presidential Communications Assistant Sec. Mocha Uson.
Ito’y matapos ireklamo ng Senador si Uson sa Office of the Ombudsman dahil sa paggamit nito ng kanyang posisyon para siya siraan kaugnay ng umano’y offshore accounts.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – karapatan ng sinuman na gawin ito.
Dumistansya rin si Abella sa pagpunta ni Uson at ng iba pang bloggers sa UN General Assembly sa New York.
Kasabay nito, nagpahayag naman ng kahandaan si Uson na harapin ang inihaing reklamo ni Trillanes.
Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Uson.
Facebook Comments