Manila, Philippines – Binigyang diin ng Palasyo ng Malacañang na kongreso ang dapat sisihin kaya hindi pa natatanggap ng mga empleyado ng Pamahalaan ang dagdag na sweldo ng mga ito base sa Salary Standardization Law o SSL.
Ito ang siabi ng Malacañang sa harap narin ng pahayag ni House Majority Leader Rolando Andaya na si Budget Secretary Benjamin Diokno ang nanghohostage sa pondo ng ika-4 at huling bahagi ng SSL.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, tama ang naging pahayag ni Secretary Diokno na walang pondong mahuhugutan ng SSL dahil reenacted pa sa ngayon ang ginagamit na Budget ng Pamahalaan dahil bigo ang Kongreso na ipasa ang 2019 National Budget.
Sa harap nito ay hinikayat nalang ng Malacañang ang mga ito na aprubahan ng mabilis ang budget para maihabol ang dag-dag na sweldo ng mga manggagawa kahit sa ikalawang bahagi ng 2019.