Malacañang, inirerespeto ang desisyon ni dating Secretary Roque na umatras sa halalan

Manila, Philippines – Iginagalang ng Palasyo ng Malacañang ang desisyon ni dating Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na umatras sa kanyang kandidatura sa pagka-senador.

Matatandaan na inanunsiyo ni Roque kanina na hindi na siya tatakbo sa halalan dahil sa health reasons matapos maoperahan sa puso kamakailan kung saan kahapon lang aniya siya nakalabas ng ospital.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, karapatan naman ni Roque na magbago ang isip o ng desisyon.


Matatandaan na si Panelo ang ipinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang kanyang tagapagsalita matapos magdesisyon si Roque na tumakbo sa halalan.

Una naring sinabi ni Roque na mayroong posibilidad na bumalik siya sa palasyo pero kailangan pa aniya siyang magpahinga base narin sa payo ng mga doctor.

Facebook Comments