Malacañang, ipinagmalaking handa na ang security forces para sa gaganaping ASEAN Summit

Manila, Philippines – Ibinida ng Palasyo ng Malacañang na handang handa na ang pamahalaan para tanggapin ang mga State Leaders at ang delegasyon ng mga ito na dadalo sa ASEAN Summit sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, bukas ay magkakaroon ng send-off para sa mga security forces na dumaan sa pagsasanay para bigyang seguridad ang mga darating na VIP sa bansa.
Sa Quirino Grandstand aniya ay ihaharap sa buong mundo ang dami ng security forces na sasabak para tiyaking ligatas ang ASEAN Summit.
Isang taon aniya itong pinaghandaan ng pamahalaan kayat matindi ang ginawang pagsasanay ng mga ito.
Umapela din naman si Andanar sa publiko na ipakita sa buong mundo kung gaano ka-disipilinado ang mga Pilipino sa pagdating ng mga state leaders sa bansa.

Facebook Comments