Malacañang, ipinagtanggol ang pangulo kontra Ombudsman

Manila, Philippines – Nanindigan ang Palasyo ng Malacañang sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na idaan sa kanya ang anumang hiling na imbestigahan ang mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na kumukwestiyon sa mga naging pahayag ng Pangulo sa Ombudsman at sa Commission on Human Rights o CHR.
Matatandaan na sinabi ni Pangulong Duterte na siya ang magdedesisyon kung iimbestigahan o hindi ang mga sundalo at pulis habang tinutupad ng mga ito ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang at kinikilala nila ang mga pahayag ni Morales at ang constitutional mandate nito na imbestigahan ang mga opisyal ng Pamahalaan.
Pero ang inaako lang aniya ni Pangulong Duterte ang kanyang Command Responsibility sa mga aksyon ng kanyang mga tauhan bilang Commander in Chief at Chief Executive.

Facebook Comments