Malacañang, ipinaubaya kay Diokno ang desisyon kaugnay sa inilabas na show cause order ng Kamara

Manila, Philippines – Ipinaubaya nalang ng Palasyo ng Malacañang kay budget Secretary Benjamin Diokno kung ano ang kanyang gagawin sa inilabas na show cause order ng House Appropriations Committee.

Matatandaan na ang dahilan ng show cause order ay ang hindi pagdalo ni Diokno sa mga hearings ng committee kung saan pinaguusapan ang mga issue ukol sa 2019 National Budget, nagbanta pa na ipapa contempt ang kalihim kung mabibigo itong humarap sa Kamara.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, aabangan nalang nila ang magiging tugond dito ni Diokno.


Sinabi ni Panelo na desisyon na ni Secretary Diokno kung dadalo ba ito o hindi dahil sigurado naman na mararamdaman ni Diokno kung paano ang magiging pagtrato sa kanya ng mga mambabatas.
Matatandaan na sinasabing nabastos ang kalihim ng ilang mambabatas sa tinatawag na Question Hour noong nakaraang taon kung saan tinalakay ang budget insertion.

Facebook Comments