Malacañang, ipinauubaya na sa Kamara ang paghimay sa draft copy ng Bangsamoro Basic Law

Manila, Philippines – Hawak na ng Kamara ang draft copy ng Bangsamoro Basic Law.

Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra – ang draft ng BBL ay isinumite na ng executive branch sa house sa pamamagitan ng isang pagpupulong sa Malacañang.

Dahil rito, nasa Kamara na aniya ang bola para sa deliberation ng bill.


Noong Hulyo 17 ay isinumite na ng Bangsamoro transition commission na pinangungunahan ng Moro Islamic Liberation Front ang panukalang BBL kay President Rodrigo Duterte.

Facebook Comments