Malacañang, kinumpirma na ang postponement ng Barangay at SK elections

Manila, Philippines – Pormal nang nilagdaan ng Pangulong Duterte ang Republic Act 10952 hinggil sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections para sa taong ito.
Ngayong Oktubre bente tres sana kasi idaraos ang nasabing halalan.
Sa halip, idadaos ang Barangay at SK elections sa ikalawang Lunes ng May 2018.
Masusundan naman ito sa taong 2020 at pagkatapos nito ay kada ika-tatlong taon na gaganapin ang Barangay at SK elections.
Bunga nito,mananatili sa kanilang pwesto hanggang sa Mayo ng susunod na taon ang kasalukuyang mga opisyal ng barangay at Sangguniang Kabataan.


Facebook Comments