Malacañang, madidismaya kung pakikinggan ng ICC si Matobato

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na sila ay madidismaya kung pakikinggan ng International Criminal Court ang kasong isinampa ng kampo ni Edgar Matobato laban kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil umano sa crimes against humanity na ginagawa ng Pangulo kasabay narin ng pagpapatuloy ng war on illegal drugs ng adminsitrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ikadidismaya nila kung pakikinggan ng ICC ang isang umaming mamamatay tao at maging basehan ng kaso laban sa isang Pangulo na inihalal ng taumbayan.

Sinabi ni Abella na ang mga bumoto kay Pangulong Duterte ay sumusuporta na tuldukan ang iligal na droga na dahilan ng mga krimen na matagal nang problema ng bansa.


Ibinida naman ni Abella na sa ilalim ng Administrasyong Duterte ay bumaba ng 30% ang kaso ng krimen sa bansa at malaki din naman aniya ang iginanda ng ekonomiya ng bansa.
DZXL558

Facebook Comments