Malacañang, masaya pa rin sa mataas na ratings ng publiko sa urgent national concern ng Pulse Asia

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang mataas na ratings na ibinigay ng publiko sa mga pangunahing concern ng mamamayan.

Base sa resulta ng survey ng Pulse Asia ay lumabas na kontento ang 78% o halos 8 sa bawat 10 pilipino sa issue ng paglaban ng pamahalaan sa krimenalidad.

7 sa bawat 10 Pilipino naman ang kontento sa kampanya laban sa katiwalian at 67% naman ang kontento sa performance ng mga otoridad sa patas na pagpapatupad ng batas.


Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay lamang ito na natutupad ng administrasyon ang mga ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing ligtas ang mga komunidad at nakikita naman na nararamdaman na ito ng marami.

Pero nabatid na bumaba naman ang lahat ng resulta ng survey.
Noong June survey kasi ng Pulse Asia ay nasa 84% ang approval rating ng paglaban sa krimenalidad pero ngayong September survey ay nasa 78% nalang, 76% naman ang nakuha ng gobyerno sa paglaban sa katiwalian pero sa bagong survey ay 70% nalang ito.
Bumaba din naman ang bilang ng mga approval sa
mga otoridad sa kanilang patas na pagpapatupad ng batas mula sa 74% noong june survey at ngayon ay 67% nalang ito.

Facebook Comments