Malacañang – may paglilinaw sa isyung sisibakin na si Bureau of Customs Commissioner Nicanor Faeldon

183
Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Malacañang na hindi pa sisibakin ng Palasyo ilang pinuno ng Bureau of Customs si Nicanor Faeldon.
 
Kasunod na rin nito ng mga ulat na may nilagdaang appointment papers si Executive Secretary Salvador Medialdea na magtatalaga sa isang indibidwal na papalit kay Faeldon sa customs.
 
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella – mananatili bilang customs commissioner si Faeldon sapagkat hindi naman ito ipinag-uutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Base sa kumalat na text messages isang “Victorino” ang ipapalit kay Faeldon sa BOC na ayon na rin sa pamunuan ng ahensiya ay disinformation lang sa harap ng maigting na pagsugpo sa korupsiyon sa aduana.


Facebook Comments