Malacañang, naalarma sa pinakahuling pagbabanta ng Islamic state na nananawagan sa kanilang mga kasamahan na maglunsad ng mga pag-atake

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagkaalarma ang Malacañang sa pinakahuling pagbabanta ng Islamic state na nananawagan sa kanilang mga kasamahan na maglunsad ng mga pag-atake.

Kasunod ito ng inilabas na audio message ng nagpapakilalang tagapagsalita ng Islamic state na nananawagan sa kanilang mga kapanalig na sumalakay sa mga bansang Amerika, Europe, Russia, Australia, Iraq, Syria, Iran at Pilipinas sa panahon ng ramadan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinu-kunsidera nila ang mga ganitong mensahe at tiniyak na gagawa sila ng hakbang para mapigilan ang mga panggugulo ito.


Aniya – hindi rin titigil ang pamahalaan at ang mga sundalo hangga’t hindi natatapos ang sitwasyon sa Marawi City.

* DZXL558*

Facebook Comments