Manila, Philippines – Nagbabala ang Malacañang, na may mga susunod pang sibakan sa hanay ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos tanggalin sa pwesto ang nasa 400 tiwaling pulis.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dapat ay magbago at tumino na ang mga pasaway na pulis lalo’t dinoble na ang mga sahod nito.
Suhestyon pa ng palasyo sa mga ito, kusa na lang magbitiw kung ayaw iwanan ang anumang ilegal na aktibidad.
Facebook Comments