Malacañang, nagdeklara ng special non-working day sa Lanao del Norte at ilang bayan sa North Cotabato

Idineklara ng Palasyo ng Malacañang na special non-working day sa Febuary 6, 2019 sa lalawigan ng Lanao del Norte bukod sa Iligan City, kasama din sa mga walang pasok ang mga munisipalidad ng Aleosan, Carmen, Kabacan, Midsayap, Pikit, Pigkawayan, at Tulunan na pawang mga nasa lalawigan ng North Cotabato ito ay sa bisa narin ng Inilabas na Proclamation Number 656 ng Malacañang.

Ang proklamasyon ay para bigyang daan ang Plebesito para sa Bangsamoro Organic Law o BOL.

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proklamasyon noong January 21, 2019


Facebook Comments