Manila, Philippines – Welcome sa palasyo ng Malacañang ang pakikiisa ng Estados Unidos ng America sa pakikipaglaban ng pilipinas sa mga violent extremist groups na konektado sa ISIS.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mahalagang magkaisa ang lahat ng nasyon para labanan ang terorismo upang mapangalagaan ang kapayapaan at kapakanan ng sangkatauhan.
Inihayag ni Abella na walang kinikilalang nasyon ang terorismo at binigyang diin din nito na committed ang administrasyon na protektahan ang interes ng taumbayan.
Nagpapasalamat din naman ang Malacañang sa mga nakikiisa, nakikiramay at nagpapaabot ng tulong sa kinakaharap na problema ng bansa sa Maute terror group.
DZXL558, Deo de Guzman
Facebook Comments