Malacañang, nakikiisa sa mithiing magkaroon ng hustisya para sa SAF 44

Manila, Philippines – Umaasa ang palasyo ng Malacañang na makakamit na ng mga pamilya ng SAF 44 ang hustisya.

Ito ang reaksyon ng palasyo ng Malacañang sa desisyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na kasuhan sa Sandigan Bayan si dating Pangulong Noy-Noy Aquino dahil sa paglabag sa Anti-graft and Corrupt Practices Act at Usurpation of Authority dahil sa Mamasapano Massacre.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, iginagalang nila ang mandato ng Office of the Ombudsman na imbestigahan ang mga public officials.


Kinikilala din aniya ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabayanihan ng PNP SAF 44 at kaisa din aniya ang Malacañang sa hiling ng mamamayan na magkaroon na ng tuldok ang isyu at maibigay ang hustisiya sa pamilya ng mga namatay na pulis.

Sa pamamagitan aniya nito ay maghihilom na ang sugat sa puso ng pamilya ng SAF 44 na dulot ng malagim na insidente.

Facebook Comments