Malacañang, nakikiramay sa pamilya ng nasawi sa sunog sa Grenfel Building sa London kahapon

Manila, Philippines – Nakikiramay ang Palasyo ng Malacañang sa pamilya ng mga nasawi sa sunog sa Grenfel Building sa London kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na mayroong mga Pilipino ang nasaktan sa nasabing insidente pero hindi naman ito naglabas ng eksaktong bilang ng mga apektadong Pinoy.

Sa ngayon aniya ay pinatututukan na ng DFA sa embahanda ng Pilipinas sa London ang sitwasyon ng mga Pilipino doon.


Tiniyak naman ni Abella na bibigyan ng nararapat na tulong ng pamahalaan ang mga Pinoy na naapektuhan ng malaking sunog sa London.

Wala parin namang kongkretong bilang ang British Government ng mga namatay o nasugatan sa nasunog na 27 story residential building.

Facebook Comments