Malacañang, nakiramay sa kaanak ng mga biktima ng tsunami sa Indonesia

Nagpaabot na ng pakikiramay ang Malacañan sa Indonesia matapos tumama ang isang tsunami sa Sunda Strait na kumitil ng buhay ng higit 200 katao.

Ang tsunami ay dulot ng pagsabog ng Anak Krakatoa volcano.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – kaisa ang Pilipinas sa pagluluksa ng pamilya ng mga biktima.


Dagdag pa ni Panelo – nakikipag-ugnayan na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa Jakarta para sa monitoring ng sitwasyon.

Aalamin din ng ating gobyerno sa pamamagitan ng mga lider ng Filipino communities sa Indonesia ang kanilang kalagayan doon.

Facebook Comments