Manila, Philippines – Nagpaabot ng Pakikiramay ang Palasyo ng Malacañang sa pamilya ng Overseas Filipino Worker na binitay sa Saudi Arabia matapos mapatunayang Guilty ng Saudi court sa pagpatay sa kanyang amo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ginawa ng pamahalaan ang lahat ng kailangang gawin para isalba ang buhay ng OFW pero hindi ito naging sapat.
Sinabi ni Panelo na sinubukan talaga ng Pamahalaan partikular Department of Foreign Affairs na matanggal sa death row ang Filipina.
Nagpaabot din ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng napatay na Consultant ng National Democratic Front of the Philippines na si Felix Malayao at sa pamilya ni Brangay Captain Beng Beltran na pinagbabaril kahapon sa Quezon City.
Kinokondena aniya ng Malacañang ang mga pagpatay na ito at wala aniyang puwang sa Pamahalaan ang mga ganitong gawain at hindi ito kukunsintihin ng Administrasyon.