Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa Kongreso na bigyan ng kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na ituloy ang pakikipagnegosasyon sa pamilya Marcos para maibalik ang mga umano’y nakaw na yaman ng mga ito sa pamahalaan.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ito ay para tuluyan nang matuldukan ang usapin at makamit na ang katarungan at para magkaroon na ng closure ang usapin.
Pero hindi din naman makapagbigay ng detalye si Abella sa kung ano ba talaga ang magiging eksaktong papel ng kongreso sa proseso ng pagbabalik ng nakaw na yaman ng mga Marcos at sinabing kailangan talaga ng approval ng kongreso para maituloy ni Pangulong Duterte ang negosasyon.
Pero tiniyak naman ni Abella na tutuparin ni Pangulong Duterte na ang magiging negosasyon sa pagitan ng gobyerno at mga Marcos ay transparent para na rin sa kapakanan ng mamamayan.