Malacañang – nanawagang sa publiko na maging kalmado kasunod ng pag-atake sa Resorts World Manila

Manila, Philippines – Nanawagan ang Malakanyang na maging kalmado at huwag basta-basta maniniwala sa mga report na ang nasa likod ng pangyayari sa Resorts World ay ang teroristang ISIS.

Sa Mindanao hour sa Malakanyang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella – wala pa namang kumpirmasyon kung sino ang nasa likod ng pangyayari kaya panawagan ng palasyo – huwag munang maniwala sa mga “unconfirmed reports”.

Anya under-investigation pa ito sa ngayon – kaya huwag magpapakalat ng mga hindi kumpirmadong mga balita.


Samantala – naghigpit naman ng seguridad sa Malakanyang kung saan isang gate lamang ang binuksa na magsisilbing pasukan at labasan ng mga sasakyan.

May nakapwesto na ring dalawang Armored Personnel Carrier (APC) sa entrada ng Malakanyang compound bilang bahagi pa rin ng ipinatutupad na security measures.
DZXL558

Facebook Comments