Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang pagkakalagda ng Government Peace Panel at ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National democratic Front o CPP-NPA-NDF ng Interim Joint Ceasefire sa naganap na 4th round ng usapang pangkapayapaan sa Netherland.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dahil sa napagkasunduan ng dalawang panig ay umaasa silang mababawasan ang engkwentro sa pagitan ng gobyerno at ng NPA.
Sinabi din ni Abella na mabagal man ang proseso ng paghahanap ng kapayapaan ay ipinapakita naman nito ang paglakas ng social at political sense ng mga Pilipino.
Hinimok din ni Abella ang publiko na magkaisa at bumuo ng isang patas at tahimik na komunidad.
Nation”
Facebook Comments