Malacañang natuwa sa pagkakasama sa top 100 Most Influential People in the World ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Welcome sa palasyo ng Malacañang ang pagkakasama ni Pangulong Rodrigo Duterte sa top 100 Most Influential People in the World.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, patunay lang ito na suportado ng mayorya ng mga pilipino si Pangulong Duterte at ang kanyang kampanya laban sa iligal na droga, krimen at katiwalian.
Sa pagkakasama naman ni Senador Leila De Lima sa parehong listahan,
Sinabi ni Abella, hindi nabanggit ng time magazine na  nakasuhan si De Lima hindi dahil sa kanyang pagbatikos kay Pangulong Duterte bagkus ay dahil sa kasong kriminal naisinampa laban dito na nakita naman ng korte na may probable cause dahil sapag labag umano nito sa batas kaugnay sa iligal na droga.

Facebook Comments