Manila, Philippines – Nilinawng Malacañang na seryoso at hindi nagbibiro si Pangulong Rodrigo Duterte sakanyang pahayag na pupunta sa Pag-asa Island sa June 12 at itaas doon angwatawat ng bansa.
Ayon kay PresidentialSpokesman Ernesto Abella, magiging makahulugan ang hakbang na ito ng pangulodahil siya ang magiging kauna-unahang pangulo ng bansa na bibisita atmagdiriwang ng independence day sa nasabing isla.
Aniya, magiging symbolicdin ito sa independent foreign policy ng Pilipinas.
Sakaling matuloy,makakasama ni Pangulong Duterte ang gobernador, tatlong kongresista ng palawanat mga lider ng kalayaan municipality.
Una ng inianunsyo ngpangulo ang plano nitong ayusin at ipatupad ang pag-asa development plan nakinabibilangan ng siyam na lugar sa isla.
Malacañang, nilinaw na seryoso at hindi nagbibiro si Pangulong Rodrigo Duterte na pupunta ito ng Pag-asa Island sa independence day
Facebook Comments