Malacañang, nilinaw na wala pang anunsyo sa suspensyon kaugnay ng gaganaping ASEAN Summit sa Nobyembre

Manila, Philippines – Pinabulaanan ng palasyo na may suspensyon ng trabaho at klase sa November 12 hanggang 15 kaugnay ng gaganaping 31st ASEAN Summit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, wala pang pormal na anunsiyo hingil rito at wala ring idinedeklarang suspensyon si Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, ang anunsyong kumakalat sa social media ay nagmula sa Presidential Security Group at hindi sa Malakanyang.


Ang Pilipinas ang host country ng 31st ASEAN Summit na dadaluhan ng mga matataas na lider gaya nina Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, at United States President Donald Trump.

Facebook Comments