Manila, Philippines – Nilinaw ng Malacañang na walang specific threat na tinutukoy sa inilabas na travel advisory ng Australia para sa kanilang kababayan na nasa Pilipinas.
Ayon sa palasyo – lumalabas na general advisory lamang ito at inulit upang makapag-ingat ang kanilang mga kababayan.
Wala rin umanong pagbabago sa travel advisories na ipinapaabot sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Pagtitiyak pa ng Malacanang, nananatiling ligtas magtrabaho, mag-aral, magnegosyo at mamasyal sa Pilipinas ang sinumang banyaga.
Facebook Comments