Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacañang na dumadaan na sa pagaaral ang proseso ng pagpapalit ng Pangalan ng bansa mula sa Pilipinas patungo sa Maharlika.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, hindi magiging marali ang proseso ng pagpapalit ng pangalan ng bansa lalo pa at nakasaad ito sa ating saligang batas.
Paliwanag ni Panelo, masyadong magiging kumplekado ang proseso na ito bago ito maisakatuparan.
Pero seryoso naman aniya si Pangulong Duterte sa balak nitong palitan ang pangalan ng bansa.
Matatandaan na mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na suportado niya ang panukalang palitan ang pangalan ng bansa na dati nang lumutang noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.