Malacañang, pinalagan ang pagkakasama ng City of Manila sa ‘Worst Cities in the World’

Manila, Philippines – Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa pagkakasama ng Maynila sa listahan ng mga pinakadelikadong lungsod sa buong mundo.

Base kasi sa listahan ng Toronto Sun na nakabase sa United Kingdom ang City of Manila ay kabilang sa limang pinakadelikadong lungsod sa buong mundo kung saan kasama ng Maynila ang Karachi sa Pakistan.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, malamang ay hindi alam ng mga ito ang tunay na sitwasyon sa Pilipinas kaya mas maganda aniya na puimunta nalang ang mga ito sa bansa bago maglabas ng anomang kongkulsyon.


Inihahalintulad kasi ng artikulo ang Maynila sa isang slaughterhouse o katayan dahil sa kaliwa’t kanang patayan dahil sa iligal na droga at ang umanoy nangyayaring extrajudicial killing sa bansa.

Binigyang diin pa ni Abella na dapat ay maranasan ng mga ito na ‘it’s more fun in the Philippines.’

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments