Manila, Philippines – Inatasan ng Palasyo ng Malacañang ang Department of Agriculture na madaliin ang kanilang ginagawang clearing operations o pagpatay sa mga manok sa San Luis, Pampanga na kontaminado ng bird flu.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakikiisa sila sa sentimyento ng mga nasa poultry industry at iba pang sector na naaapektuhan ng nasabing kaso ng sakit.
Sinabi ni Abella, dapat ay madaliin na ng Bureau of Animal Industry ang kanilang mga ginagawa para hindi na kumalat pa ang sakit at maging mabilis ang pag-recover ng poultry industry.
Binigyang diin din naman ni Abella na maaari ding tumulong ang Armed Forces of the Philippines sa pagpatay sa mga manok dahil hindi din naman aniya ito isang maliit lang na kalamidad.
Facebook Comments