Manila, Philippines – Pumalag ang Palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na nakakikilabot at labag sa international human rights law ang panukalang batas na nagpapababa ng criminal liabilities sa mga menor de edad.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nakahihiya ang pakikialam ni Callamard sa soberenya ng Pilipinas.
Paliwanag ni Panelo hindi dapat pinakikialaman ni Callamard ang trabaho ng Kongreso ng Pilipinas at maging ng Ehekutibo.
Pinayuhan pa ni Panelo si Callamard na bago magsalita sa Media ay alamin muna nito ang buong detalye ng mga issue.
Ito ay dahil pinakikinggal lang aniya ni Callamard ang mga impormasyong nagmumula sa mga taga oposisyon kaya hindi ito nagiging objective sa kanyang ginagawa.
Tinawag pang potentially deadly ni Panelo ang pahayag ni Callamard dahil hindi naman totoo na kakilakilabot ang isinusulong na panukala.