Malacañang, sang-ayon sa mayorya ng mga Pilipino na dapat ipaglaban ng soberensya ng Pilipinas sa WPS

Manila, Philippines – Sinang-ayunan ng Malacañang ang mayorya ng mga Pilipino na dapat ipaglaban ang soberensya ng Pilipinas sa West Philippine Sea pero ito ay sa pamamagitan ng mapayapang dayalogo.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pananatilihin ng gobyerno ang negosasyon nito sa China sa pamamagitan ng Bilateral Consultation Mechanism (BCM).

Base sa lumabas ng Social Weather Stations (SWS) survey, 87% ng mga respondent ang nagsabing mahalagang makontrol muli ng Pilipinas ang mga islang inaangkin nito sa WPS.


69% ng ang naniniwalang takot na harapin ng China ang isyu dahil hindi panig sa kanila ang hustisya.

Facebook Comments