Malacañang sinalag ang batikos ng publiko sa security officials ng pamahalaan

Manila, Philippines – Ipinagtanggol ng Palasyo ng Malacañang ang mga Security Officials ng Pamahalaan na sumama sa Russia Trip ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan.

Ito ang sinabi ng Malacañang matapos ang pahayag ni Solicitor General Jose Calida na noong Abril pa alam ng Pamahalaan na mayroong plano ang Maute Group na okupahin ang Marawi City.

Matatandaan na kasama ni Pangulong Duterte sa Russia sina National Security Adviser Secretary Germogenes Esperon, Defense Secretary Delfin Lorenzana, Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Eduardo Ano at Philippine National Police Chief Director General Ronald Bato Dela Rosa na pawang mga pinakamatataas na security officials ng pamahalaan.


Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, on top of the Situation naman ang mga opisyal ng pamahalaan noong panahong yoon at patuloy na nagmomonitor ang mga ito sa mga nangyayari sa Pilipinas habang sila ay nasa Russia.

Ibinida pa ni Abella na kung hindi naging mabilis ang aksyon ng AFP ay mas malaki pa ang naging Pinsalang Dulot ng pag-atake ng teroristang grupong Maute.
DZXL558

Facebook Comments