Malacañang susundin ang utos ng Korte Suprema kaugnay sa quo warranto petition laban kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Hindi susuwayin ng Palasyo ng Malacañang ang kautusan ng Korte Suprema na dapat ay magkomento si Pangulong Rodrigo Duterte sa isinampang quo warranto petition laban dito.

Matatandaan na sinampahan ng suspendidong abogado na si Ely Pamatong ng quo warranto petition ang Pangulo dahil hindi aniya tama ang naging proseso ng pagiging kandidato nito noong 2016 dahil sa substitution na ginawa noon ng kapartido ng Pangulo na si Martin Diño.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, susunod ang Malacañang sa anumang iutos ng Korte Suprema.


Hindi din naman nagbigay ng detalye ang palasyo kung kailan ibibigay at kung ano ang paliwanag na lalamanin ng kanilang komento sa nasabing petition.

Facebook Comments