Malacañang, tinawag na fake news ang di umano’y pag-uugnay ni PRRD sa hinihinalang drug pusher kay Chinese ambassador Zhao Jinhua

Manila, Philippines – Tinawag na “fake news” ng Malacañang ang diumano’y pag-uugnay ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Ambassador Zhao Jinhua sa hinihinalang drug lord sa Mindanao na si Michael Yang.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque – katunayan, sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati kagabi na malabong may kaugnayan sa iligal na droga si Yang.

Paglilinaw ni Roque sa naging pahayag ng Pangulo imposibleng maging drug lord si Yang dahil sa bahay pa nga nito natutulog ang Chinese ambassador.


Matatandaang sa talumpati ng Pangulo kagabi sinabi niya na minsan na niyang nakasama si Yan sa isang command conference at nag-alok na magdadala ng mga investor sa bansa.

Binantaan pa nga raw niya si Yang na huwag masasangkot sa iligal na droga dahil susunugin niya ito nang buhay.

Facebook Comments