Malacañang, tiniyak na hindi mababaon sa utang ang bansa sa ‘Build Build Build Program’ ng administrasyong Duterte

Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na hindi mababaon sa utang ang administrasyong Duterte sa gitna ng isinusulong na “Build Build Build” program ng Department of Public Works and Highways.

Nabatid na aabot sa walong trilyong piso ang budget na inilaan sa nasabing programa.

Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez – kung tutuusin ay kikita pa nga rito ang gobyerno.


Aniya, oras na matapos ang pagpapagawa ng iba’t ibang infrastructure projects sa bansa ay maaari itong ibenta sa mga pribadong sektor.

Facebook Comments