Malacañang, tiniyak na hindi palalampasin ang Caloocan PNP sakaling mapatunayang umabuso matapos mapatay ang isang grade 11 na binatilyo

Caloocan City – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi palalampasin ang nga pulis na mapatutunayang umabuso sa kanilang tungkulin matapos mapatay ang isang 17 taong gulang na lalaki na sinasabing nanlaban sa Caloocan City.

Sa anti-illegal drug operations kasi ng PNP sa Caloocan City ay pinatay ng mga pulis si Kian Delos Santos ng Barangay 160 Caloocan matapos umanong manlaban pero taliwas naman ito sa nakikita sa kuha ng CCTV malapit sa crime scene.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, mananagot ang mga pulis na kasama sa operasyon kung mapatutunayang umabuso ang mga ito sa kanilang trabaho.


Malinaw kasi aniya ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na poprotektahan ang mga pulis na magtatrabaho ng tama at hindi ang mga umaabuso sa tungkulin.

Sinabi din naman ni Abella na itinuturing nilang isolated case ang insidente sa Caloocan City.

Facebook Comments