Malacañang, tiniyak na patuloy na binabantayan ng pamahalaan ang kalagayan ng mga Pinoy sa Estados Unidos sa harap ng pananalasa ng hurricane Irma

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na hindi dapat mangamba ang mga Pilipinong may kaanak sa Estados Unidos ng Amerika lalo na sa mga lugar partikular sa Florida na apektado ng hurricane Irma.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, mahigpit ang ginagawang ugnayan ng Department of Foreign Affairs sa konsulado ng Pilipinas sa Amerika pati na sa Filipino community doon.

Batay aniya sa huling koordinasyon ay ihihayag ng konsulada na on top of the situation sila at natutugunan naman ang mga pangangailangan ng mga Pilipino sa lugar.


Sinabi pa ni Andanar na lagi namang nakamonitor ang Malacañang sa mga kaganapan sa Estados Unidos katuwang ang DFA.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, na nasabihan na ng Philippine Embassy sa Washington DC ang mga Pilipino na apektado ng Hurricane Irma na lumikas at naipaabot aniya ito sa aabot sa 200,000 libong Pilipino.

Pinaghahanda narin naman aniya ng DFA ang mga Pinoy sa mga lugar na posibleng daanan pa ng hurricane Irma.

Facebook Comments