Malacañang, umaasang tutulong na ang simbahan sa paglaban sa iligal na droga

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pahayag ni Catholic Bishops Conference of the Philippines President Archbishop Socrates Villegas na bukas ang mga Katolikong Bishop na makipagtulungan sa administrasyong Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, umaasa silang tutulong ang simbahan sa rehabilitasyon ng mga drug dependents at maibalik sa normal ang kanilang buhay.

Binigyang diin din naman ni Abella na ang mahalaga ngayon ay ang pagkakaisa upang matiyak ang pagunlad ng lahat anoman ang kanilang paniniwala.


Matatandaan na makailang beses na minura ni Pangulong Duterte ang mga taga-Simbahang Katolika dahil sa pagpuna nito sa mga hakbang na ginagawa ng administaryon para labanan ang iligal na droga sa bansa.

Nation”

Facebook Comments