Malacañang, umapela sa mga kandidato na sumunod sa itinakda ng batas na may kaugnayan sa eleksiyon

Manila, Philippines – Umapela ang Palasyo ng Malacañang sa mga kandidato sa paparating na midterm elections na sumunod sa mga iniuutos ng batas o ang umiiral na Election Laws sa bansa.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, gusto ng Pamahalaan na ang papalapit na halalan ay magiging malinis, tapat at may kredebilidad na halalan para sa lahat.

Ito naman ang sinabi ni Panelo sa harap narin ng atas ni Pangulong Duterte sa kanyang gabinete na dumistansiya sa pag-eendorso ng sinomang kandidato.


Ito ay kaugnay narin sa unang paalala ng Commission on Elections na bawal naglagay ng mga election materials sa mga hindi idineklarang common poster areas, mga pampublikong lugar, at mga pribadong lugar na walang pahintulot ng may ari.
Nagpaalala din naman ang COMELEC na bawal magkabit ng mga posters sa mga puno, tulay, poste ng kuryente, mga ekswelahan at marami pang iba.

Facebook Comments