Malacañang, umapela sa publiko na huwag magpakalat ng fake news matapos ang lindol

Manila, Philippines – Umapela ang palasyo ng Malacañang sa mga residente ng Batangas na manatiling vigilante at naka-alerto matapos ang nangyaring lindol kagabi na umabot sa 5.5 magnitude.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ay umiwas ang publiko sa pagpapakalat ng mga hindi kumpirmadong report upang maiwasan na maging dahilan ng panik sa iba lalo na sa mga nakatira sa tinamaan ng lindol.

Nabatid na nagdeklara ng state of calamity ang lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Batangas matapos ang lindol upang mabilis na maaksyunan ang pangangailangan ng kanilang mga constituents.


Ibig sabihin nito ay nagpapatupad na ngayon ng price freeze sa lalawigan upang maiwasan naman ang pananamantala ng mga negosyante.
Nation

Facebook Comments