Malacañang, walang kupirmasyon sa utos umano na isailalim sa lifestyle check ang sinibak na police officials ng Bacolod City

Manila, Philippines – Hindi makumpirma ng Palasyo ng Malacañang kung nagutos ba si Pangulong Rodrigo Duterte na magsagawa ng lifestyle check sa sinibak na Bacoloc City police Chief na si Police Senior Superintendent Francis Ebreo.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, narinig din niya ang impormasyong ito pero hindi naman niya ito makukumpirma.

Pero naniniwala din naman si Panelo na dapat lang maging standard operating Procedure na isalilalim sa lifestyle check ang mga opisyal ng pamahalaan na masasangkot sa katiwalian.

Binigyang diin pa ni Panelo na dapat ay imbestigahan ng Pamahalaan ang pagaari ng opisyal upang malaman kung namumuhay bai to ng labis sa kanyang nakukuhang sweldo.


Matatandaan na nang humarap si Ebreo at mga tauhan nito kay Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi nito na dadaan ang mga ito sa malalim na imbestigasyon bukod pa sa pananabon sa kanila ng Pangulo.

Facebook Comments