Malacañan, iginiit na kinakausap nila si Pangulong Duterte bago maglabas ng pahayag

Iginiit ng Malacañan na sumasangguni muna sila kay Pangulong Rodrigo Duterte bago maglabas ng pahayag.

Ito’y matapos punahin ni Vice President Leni Robredo ang hindi magkatugma na pahayag ng pangulo at ng tagapagsalita nito na si Sec. Salvador Panelo hinggil sa isyu sa West Philippines Sea.

Ayon kay Panelo, palaging trabaho ng oposisyon na hanapan ng butas ang administrasyon.


Bukas aniya ang kominikasyon nila ni Pangulong Duterte lalo na kung mabibigat na isyu ang kailangang ilabas na pahayag ng Palasyo.

Nanindigan ang Palasyo na hindi isinusuko ng pamahalaan ang ating mga teritoryo pero idadaan ito sa diplomatikong paraan.

Facebook Comments