Ikinabahala ng Malacañan ang ulat tungkol sa pagkamatay ng isang Chinese na nahulog sa mula sa ika-anim na palapag na gusali sa Las Piñas.
Ang tinutukoy na Chinese ay ang 27-anyos na si Yang Keng na sinubukang makatakas sa employer nitong Chinese.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, iniimbestigahan na ng PNP ang insidente at pinatutugis ang Supervisor umano’y kinukulong ang biktima.
Nababahala ang Palasyo sa dumaraming ulat na nabibiktima ng Coercion, Illegal Detention, at iba pang paglabag sa batas ang mga Foreign Worker mula sa kamay ng kanilang kababayan sa bansa.
Iginiit ni Panelo na kailangang matigil ang mga ganitong ilegal na gawain at hindi nila kinukunsinte ang anumang uri ng pang-abusong ginagawa sa mga dayuhang bumibista o nagtatrabaho sa bansa.
Hinimok ng Palasyo ang mga dayuhan na isumbong sa mga awtoridad kung kanilang employer ay nilalabag ang batas.