Malacañan, tiniyak na hahabulin ang ill-gotten wealth ng mga Marcos

Tiniyak ng Malacañan na patuloy na hahabulin ang anumang kaso ng ill-gotten wealth.

Ito’y matapos ibasura ng sandiganbayan 2nd division ang mahigit 100 milyong pisong ill-gotten wealth case na inihain ng Presidential Commission on Good Government laban sa pamilya Marcos.

Nakasaad sa desisyon ng Korte na hindi sapat ang mga inilatag na ebidensya ng PCGG para mapatunayang umaktong dummy si Bienvenido Tantoco para kay dating Pangulong Ferdinand Marcos.


Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, wala nang magagawa kung hindi sapat ang ipinakitang ebidensya sa hukuman.

Pero paglilinaw niya, hindi nangangahulugang talo ang pamahalaan sa kasong ito.

Gayumpaman, pwede pang magsumite ng motion for reconsideration ang Office of the Solicitor General.

Facebook Comments