Malacañang, aminadong mabagal ang distribusyon ng SAP 2

Nababagalan ang Malacañang sa pamamahagi ng ikalawang tranche ng emergency subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, aabot sa ₱20.1 billion ang nailabas ng Pamahalaan para sa 3.37 million na pamilya.

Malayo pa ito sa target na 17 million household beneficiaries.


Sinabi ni Roque na pinanghahawakan nila ang pangako ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na matatapos nila ang payout sa katapusan ng buwan.

Bago ito, aminado si DSWD Undersecretary Danilo Pamonag na ang distribusyon ng SAP ay posibleng magtagal hanggang Agosto.

Aniya, mahirap na mapuntahan ang mga far-flung o geographically-isolated at disadvantaged areas maging sa mga conflict-affected areas.

Facebook Comments