Malacañang at DILG, kakausapin ang DND tungkol sa pagre-red tag ni Parlade

Plano ng Malacañang na kausapin ang Department of National Defense (DND) hinggil sa red-tagging ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade sa community pantries.

Nabatid na ikinumpara ni Parlade ang Maginhawa Community Pantry Organizer na si Ana Patricia Non kay Satanas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kakausapin nila ni Interior Secretary Eduardo Año si Defense Secretary Delfin Lorenzana hinggil dito dahil ito ang proper chain of command.


Muling iginiit ni Roque na suportado ng pamahalaan ang mga community pantry initiatives.

Aminado si Roque na hindi ito ang unang beses na ang magiging laman ng pag-uusap ay si Parlade.

Facebook Comments