Malacañang at VP Leni Robredo, nagpaabot ng mensahe para sa mga Muslim na nagdiriwang ngayon ng Eid al Adha

Nagpaabot ng pagbati ng pakikiisa ang Malacañang sa mga Pilipinong Muslim kasabay ng pagdiriwang ngayon ng Eid al Adha o Feast of Sacrifice.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry roque na ang paggunita ngayon sa ginawang sakripisyo ni Ibrahim bilang pagsunod kay Allah ay isang paalala ng pagiging hindi makasarili at pagkakaroon ng pag-asa.

Malaking tulong aniya ito sa pagbuo ng komunidad na mayroong respeto at pag-unawa sa bawat isa.


Samantala, pagtutulungan naman ang mensahe ni Vice President Robredo sa pagdiriwang ngayon ng isa sa dalawang pinakamahalagang araw sa kalendaryo ng Islam.

Ayon kay Robredo, sa kabila ng nararanasan nating banta ng COVID-19 ay napagbubuklod pa rin tayo ng ating pangarap na matapos na ang pandemya.

Facebook Comments